Advertisers

Advertisers

Angelika Santiago dream come true ang pagiging Sparkle artist

0 15

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

IPINAHAYAG ni Angelika Santiago ang labis na kasiyahan ngayong isa na siyang ganap na Sparkle artist.

Aniya, “Super-duper happy po ako kasi finally after all these years po, Sparkle artist na po ako. Dream come true po siya.

“Na-feel ko po yung pag-welcome nilang lahat sa akin noong ipinapakilala po nila ako.”

Dagdag pa ni Angelika, “Bale kaka-sign ko lang po last month, as in super fresh pa po, hehehe.”

Ano ang expectations niya sa development na ito sa kanyang showbiz career?
“Sa expectations ko po sa sarili ko, siyempre iyong mabigay ko po yung best ko and maipakita ko po… and syempre, to make my parents proud po.

“All thanks to God po talaga yung nangyari. Grabe po tito, hindi ako makatulog po before ng Gala sa sobrang excited ko po,” wika pa ni Angelika ukol sa naging experience niya sa GMA Gala.

Ine-expect ba niyang sumabak sa challenging na roles, ngayong Sparkle artist na siya?

Esplika ng magandang Kapuso actress, “About sa projects, siguro po anything naman po ay kakayanin ko, since magsisimula na rin po iyong workshops namin.”

Aniya pa, “Siyempre naman po tito…gusto kong sumabak sa challenging na role. I think need din po talaga para mahasa po ako. And I love challenges po especially po sa mga roles na ibinibigay sa akin.”

Pahabol pa ni Angelika, “Kahit ano naman po iyan ay willing ako to accept po with open arms. Kahit anong project po yung ibigay ay game naman po ako, para po ma-experience ko po lahat, hehehe.”

Kung sakali, sino ang wish niyang makatrabaho sa gagawin niyang projects?

“Siyempre po yung mga nakasama ko po before sa Prima Donnas, sila sila po yung gusto kong maka-work ulit and siyempre lahat naman po ng mga artist po sa GMA-7.”

Si Angelika ay unang nakilala sa showbiz sa hit series na ‘Prima Donnas’ ng GMA-7. Kasagsagan ito ng pandemic, pero hindi naging hadlang ang bagay na ito para i-pursue ng dalagita ang kanyang showbiz career.

Late last year ay napanood si Angelika sa pelikulang ‘Ako Si Juan’ na hango kay St. John of the Cross OCD. Mula sa pamamahala ni Direk Paul Singh Cudail, ito ay hatid ng SJDC Parish Film Production of San Juan Dela Cruz Parish na pinamumunuan ni Father Dennis Espejo.