Advertisers

Advertisers

Charlene emosyunal sa pag-alis ng anak para mag-aral sa ibang bansa

0 280

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

EMOSYUNAL ang dating beauty queen at aktres na si Charlene Gonzales dahil pansamantala siyang iiwan ng kanyang panganay na si Andres para mag-aral sa Spain.

Marami ang naantig sa madamdaming mensahe nito sa kanyang anak na mangingibang-bansa para ipagpatuloy ang pag-aaral sa isang world-class university.



Aniya, kahit nagdurugo ang kanyang puso, suportado raw niya ang anak sa desisyon nito.

Ito ang teksto ng kanyang mensahe.

“The day has come were you are starting a new chapter in your life as you head out to college. As a mom, you imagine & know that someday, that day will come but you always think it’s too far away for it to be a reality. (emoji).

“As you leave for college today in Spain, know that we love you very much and we are super proud of you Andres,” ani Charlene.

Ayon pa kay Charlene, bagama’t nag-aalala siya kay Andres dahil sa pandemic, wala silang choice ng mister na si Aga Muhlach kundi suportahan ang kanilang binata.



“It was a very difficult decision to make (especially during this global pandemic for you to be on campus) but you really wanted to continue your studies on campus and as parents we will be here to support & guide you every step of the way,” sey niya.

“Ang hirap mag-let go for any mom but going off to college will be a wonderful experience for all children. As parents, we provided them wings, but now it’s their turn to fly…,” dugtong niya.

Pinayuhan din niya ang anak na i-enjoy ang kabataan nito kasama na ang pag-explore sa mga posibilidad sa pakikipagsapalaran at pakikibaka sa mundo.

“Have the best time of your life in Spain & continue to make lasting memories, that you will cherish forever..,” pagtatapos ni Charlene.