Advertisers

Advertisers

NCAA 101!

0 56

Advertisers

Kung bisita nyo sa programa sina Fritz Gaston, Mike Advani at si NCAA Mancom Head Melchor Divina at co-host mo si Lito Cinco noong Lunes ay riot sa kwentuhan hinggil sa pinakamatal na liga sa bansa.

Super saya ang talakayan natin ng mga espesyal na panauhin ng mga dating player ng Ateneo at San Beda kasama ang opisyal mula sa Mapua.

Nagkaalaskahan sina Fritz at Mike. Itinuro kasi ni Gaston na ang Red Lions ang dahilan ng paglisan ng Blue Eagles sa NC.

Puno pa ng ibang nostalgia at trivia ang usapan.

Ayon naman kay Divina ay maraming pagbabago nitong taon na sila ang host- school.

Una ay magiging 13 game na lang ang lalaruin ng bawa’t koponan sa regular round.

Pero may play -in ala NBA para may pag-asa pa ang mga nasa bottom ng standings.

Mas exciting ang season 101.

***

Tuwang-tuwa mga Pinoy nitong Linggo na nakasaksi sa exhibition match ng PBA Legends sa HoChiMinh City. Kabilang sa naglaro sa siyudad na dating Saigon sina Allan Caidic, EJ Fheil, Marlou Aquino, Noli Locsin, Bal David, Wynnie Arboleda, Vince Hizon at Jerry Codinera. Tiyak na at home sila sa lungsod dahil may mga sangay doon ng Jollibee.

***

Taliba ni Tale. Nakipagpulong si Manny Pacquiao kay PBBM sa Palasyo noong Huwebes. Courtesy call sabi para sa Thrilla in Manila II na si Pacman magiging promoter.

Idinawit si swimming legend Eric Buhain ni Cong. Leandro Legarda Leviste ng 1st D ng Batangas sa anomalyang sangkot din ang DWPH district engineer. Nakakalungkot na sangkot ang isang dating kampeon at Olympian pa man din. Napangasawa ni Eric si Eileen Ermita na anak ng dating heneral at executive secretary ni Pres Gloria Macapagal-Arroyo. Nagsilbing kongresista rin ng distrito ang mag-ama.

Nagwagi sa Sinquefield Cup si Wesley So na miyembro na ng chess federation sa Estados Unidos Nandoon sa awarding ceremony si Lotis Key, ang dating artista sa Pinas na naging benefactor ni Wesley sa USA.