Advertisers
ARESTADO sa hot pursuit operation ng mga pulis ang kabaro nito na sinasabing lider ng “gapos gang” na sangkot sa sunod-sunod na robbery hold-up sa gitnang Luzon partikular sa Sta. Maria, Bulacan.
Sa report ni PLt. Colonel Voltaire Rivera kay PNP Provicial Dir. Col. Angel Garcillano, kinilala ang naaresto na si SSgt. Miguel Andrew Oñate, 34-anyos, residente ng Barangay Sala, Tanauwan City, Batangas.
Nabatid na nakatalaga bilang team leader ng Motorcycle Patrol Unit sa Tanauan City Police si Onate.
Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na sangkot ang pulis sa robbery (hold-up) nitong Agosto 27, 2025 alas-2:30 ng hapon sa Brgy. Manggahan, Sta. Maria.
Matapos madakip, positibong itinuro ang pulis ng kanyang biktima nito lamang Agosto 28.
Nakuha sa pulis ang isang kalibre .45 (F05010258), 3 magazine na may 12 bala, isang cal. .45 replica, 2 plate number na CAE1713, 3 plastic bags mentos na naglalaman ng coins o barya.
Na-recover din sa pulis ang 7 Android smartphones, 2 keypad phones, isang katana (samurai sword), 1 green/black bolt cutter at 59 piraso ng white cableties.(Thony D. Arcenal)