Advertisers
Ni Beth Gelena
USAP-usapan sa showbiz circle na naghiwalay na ng landas sina Coco Martin at ang longtime talent manager niyang si Biboy Arboleda.
Sinasabing ang posible raw na dahilan ay hinggil sa pera, how true kaya ito?
Hindi na umano naka-follow si Coco sa account ng manager.
Kaya, sigurado raw na may katotohanan ang isyu sa pagitan nila.
Marami ang nalulungkot na mga kaibigan nila kung totoo nga ang sitsit na ito.
Ang haba na rin kasi ng pinagsamahan nina Coco at Arboleda.
Anyway, wala pa namang katotohanan kung totoo nga dahil parehong hindi pa nagbibigay ang dalawang kampo hinggil sa kumakalat nilang isyu.
***
CRISTINE KINUMPIRMA HIWALAY NA KAY MARCO, MAY BAGO NANG NON SHOWBIZ SYOTA
KINUMPIRMA na ni Cristine Reyes ang hiwalayan nila ni Marco Gumabao at ibinulgar na rin niyang may non-showbiz dyowa na rin siya.
Sinabi ng aktres na mas masaya siya at mas gusto niyang panatilihing pribado ang kanyang bagong relasyon.
Maayos umano ang paghihiwalay nila ni Marco, pagbibigay diin niya.
Wala naman daw silang naging problema dahil nanatili pa rin silang magkasundo.
Sa isang panayam, ibinulgar niyang nakatagpo na siya ng panibagong kaligayahan kung saan kasama ang isang non-showbiz personality. “Nakakatanggal din ng blemish ‘yan and wrinkles. Yes, I am happy now,” she said, adding that she prefers to keep her current relationship “mas private.”
Ang paghihiwalay daw nila ni Marco ay isang amicable at mas gusto nilang hindi magbahagi ng masyadong detalye sa kanilang hiwalayan.
“Sa amin na lang iyon, respect na namin sa isa’t isa. But we are super okay,” esplika ng aktres.
Ibinahagi din ng aktres na ang pagpili na maging mas pribado ang kanyang buhay pag-ibig ay nagpakalma sa kanyang pakiramdam.
Nang tanungin kung tuluyan na ba niyang iiwasan ang pakikipag-date sa kapwa celebrity, ani Cristine na hindi kailanman maaaring planuhin ang pag-iibigan.
Sa buong career ng aktres pawang male celebrities ang kanyang mga naging karelasyon.
Like Derek Ramsay at Rayver Cruz, at ang past marriage niya kay Ali Khatibi, kung saan mayroon siyang anak na babae.
At last ay si Marco noong 2023.
***
Sigaw ng netizens kay Justice Remulla:
HWAG TABUNAN ANG ISYU SA FLOOD KORUPSYON KONTRA SABUNGEROS
AYON kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, nag-issue na last Friday ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) against sa individuals na pinangalanan ng whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan.
Ani Patidongan ang implicated umano ay ang businessman na si Atong Ang as the mastermind behind the abduction of the cockfighters who were reported missing from 2021 to 2022.
Sinabi pa niya sa awtoridad na mahigit 100 sabungeros ang in-abduct, pinatay at saka itinapon sa Taal Lake.
Isinama rin niya ang aktres na si Gretchen Barretto to the disappearances and the alleged killings.
Pareho namang dinenay nina Ang at Barretto ang alegasyon laban sa kanila, with Ang saying that Patidongan threatened to link him to the disappearance if he refused to pay P300 million, while Barretto said she received a similar threat.
Komento ng netizens: “Hold them accountable to make people trust the justice system. Democracy without the rule of law is anarchy!”
Sigaw naman ng isang commenter, “Unahin nyo yung BILYONG pera na ninakaw sa kaban ng bayan! Panagutin sila kaysa mga sugarol na yan”
“Pag mahirap ang magkasala kulong agad pero pag mayaman Dami pa proseso”
“Yung mga contractor at buwayang officials ang bantayan, baka tatakas na sila sa flood control issues…”
“Ano ba yan.!… Dati WPS impeachment. Sabungeros.. Flood control..Baka susunod trillia in Manila part 2.. Ala ng nalutas. Busettt!! .”