Advertisers
HINDI tayo nagtataka kung bakit marami ang maingay sa aplikasyon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin ‘My Bossman’ Remulla bilang susunod na Ombudsman.
Sa kanya kasi ibinibintang ang pagpapadala kay PDU30 sa International Criminal Court noong Marso, batay sa kahilingan ng International Police Organization sa reklamong ‘crimes against humanity,’ kung saan nasampahan pa nga ng reklamo si Sec. Bossman sa Ombudsman, kasama ang iba pang mga opisyal ng gobyerno.
Kung kuwalipikasyon din lang ang pag-uusapan, sadyang “angat” si SOJ sa iba pang naghahangad maging kapalit ni Ombudsman Samuel Martires. Marahil, ito ang dahilan kaya ginagawang isyu na huwag siyang mabigyan ng ‘clearance’ ng Ombudsman dahil sa isinampang reklamo ng kampo ni PDU30.
Teka lang. May kaso si SOJ sa Ombudsman hindi dahil siya ay korap. May kaso siya dahil sa paggampan sa kanyang tungkulin na siyempre, hindi nagustuhan ng iba, partikular ng mga ‘DDS.’
Translation? Ang reklamo sa Ombudsman ay dahil sa PULITIKA.
Nang iligal na tanggalin si Pang. Erap noong 2001, “masarap” na sana ang buhay ni Bossman sa Amerika. Subalit, pinili niyang bumalik nang tawagan siya ni Pang. Erap upang tulungan siyang labanan ang mga tinahing bintang laban sa kanya.
Siya rin ang sumulat ng ‘resignation letter’ ni Pang. Erap bago siya napilitang umalis sa Malakanyang noong Enero 20, 2001, kaya hanggang ngayon, ‘constitutional issue’ ang ginawa kay Pang. Erap.
Kumbaga, saan man mapunta, hindi iniiwan ni Bossman sa aparador ang kanyang “yagbols” kaya nagagawa niya ang ano mang desisyon na para sa kanya ay tama at nararapat gawin.
Ayon kay SOJ, sakaling maitalagang Ombudsman, magiging “parehas” siya “sa lahat,” bagay na alam nating gagawin niya.
Hindi kasi “binabae” si SOJ na hindi kayang gawin ang sinabi niya. Higit pa sa lahat, alam niya ang kahalagahan ng ‘rule of law’ kung saan walang dapat kilingan, walang dapat katakutan.
Siyempre, marami tiyak ang “mapipikon” kung bakit natin “ipinagtatanggol” si SOJ Remulla?
Bakit naman hindi, samantalang kilala natin ang kanyang pagkatao– may prinsipyo, tapat at may malasakit sa kanyang mga tauhan at mga kaibigan at magaling sa kanyang trabaho, ano mang responsibilidad ang ibigay sa kanya.
Hindi lang siya ‘A man for all season, but also a man for all crisis!’
Kumbaga, Mr. President, sadyang sinubok na ng panahon si Secretary Remulla at ‘more than qualified’ siya na maging susunod na Ombudsman!
Abangan!