Advertisers

Advertisers

JUETENG SA ORIENTAL MINDORO ‘UNTOUCHABLE’

0 24

Advertisers

LUMALABAS na walang silbi ang batas laban sa illegal gambling dahil mula nang amyendahan ang Presidential Decree (PD) 1602 noong 2004 ay wala pang naipakulong na mga gambling operator/lord at protector sa bansa kahit lantad ang presensya ng iligal na sugal na jueteng particular sa Oriental Mindoro na sinasabing maimpluwensyang pulitiko ang nasa likod ng iligal na sugal.

Matatandaan sa naging pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety, hindi naitago ng ilang Kongresista ang kanilang pagkadismaya na sa kabila ng mataas na penalty sa gambling operators at mga protector na politiko at police official, ay wala pang nakukulong kahit lantad na lantad ang iligal na sugal.

“Mabigat ang batas na ito, ‘yung Republic Act (RA) 9287, ang tanong sa PNP (Philippine National Police) at NBI (National Bureau of Immigration), meron na ba tayong naparusahan sa batas na ito na itinaas na natin ang penalty ng mga perpetrators ng illegal gambling meron na ba tayong naipakulong?” tanong ng ilang Kongresista

Ipinaliwanag din ng ilang Kongresista na miyembro ng House Committee on Public Order and Safety ang nasabing batas na pinirmahan ng dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, na ang mga mananaya ay maaaring makulong ng hanggang tatlong buwan, habang 10 taong pagkabilanggo naman sa mga protektor.

Walong (8) taong pagkabilanggo naman sa mga tauhan ng gambling operator/lord at kukumpiskahin ang bahay, gusali, sasakyan na ginagamit sa operasyon ng ilegal na sugal.

Makukulong din ng hanggang 12 taon ang maintainer, manager at operator ng ilegal na sugal; hanggang 14 taon naman sa mga financier o kapitalista at 20 taon sa kanilang mga protektor sa gobyerno.

Kapag public official’s aniya, elected man o appointed, ay tatanggalin sa puwesto at hindi na papayagang pumasok sa public service.

Ilang dekada na ang nasabing batas ngunit wala pang gambling operators/lord at protektor ang naipakukulong sa kabila ng pag-amyenda sa PD 1602 na nagtaas ng parusa sa mga sangkot sa ilegal na sugal na ilang taon ng talamak sa Oriental Mindoro.

Sa bigat ng parusang ito bakit hindi natatakot si Gov. Humerlito Bonz Dolor at Provincial Director PCol Edison Revita?

Matatandaan sa manifestation ng nooy House Deputy Majority Leader na ngayon ay Senator Erwin Tulfo, nais nito na ipatawag ang lahat ng Gobernador at regional director ng PNP para sa nasabing imbestigasyon.

Lahat ng aktibidad na may kaugnayan sa pagsusugal o pagtaya gamit ang pera ay mahigpit na ipinagbabawal alinsunod sa PD 1602 na inamyendahan ng RA 9287.

Ayon sa sumbong via text messages mismong ang maimpluwensiyang politico sa Oriental Mindoro ang tumatayong Bangka ng jueteng na pino-protektahan ng ilang tiwaling opisyal ng PNP at NBI ang bumabalewala at bumababoy sa batas na ito (PD 1602 / RA 9287).

Aniya, umaabot sa P2.4 milyon ang diumanoy kubransa ng jueteng kada araw mula sa labing apat na bayan at isang siyudad sa lalawigan ang nabubulsa ng maimpluwensiyang pulitiko at ilang tiwaling opisyal ng pamahalaan na malakas umano ang kapit sa office of the president na sumusuporta noon sa kandidatura ni Pangulong Bongbong Marcos ang humahawak ng “gambling operation” sa Oriental Mindoro.

Sa kabila ng mga ginagawang pagdinig ng House Committee on Public Order and Safety laban sa iligal na sugal na jueteng, ay nananatili parin ang presensiya ng lantarang sugal sa nasabing lalawigan na di hamak na bukod sa hindi bulgar milyon o bilyon ang kita sa jueteng kung ikukumpara sa kickback na nakukuha ng mga contractor at DPWH officials sa flood control projects na mainit na pinag-uusapan ngayon matapos isiwalat ni Pangulong Marcos sa kanyang ika-4 na SONA.

Tutukan natin!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com.