Advertisers

Advertisers

NTF-ELCAC: Korapsyon sa Pag-iisip, Pinakamalaking Banta sa Kapayapaan

0 9

Advertisers

Naglabas ng matinding paalala ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong Miyerkules kasabay ng paggunita ng Peace Month ngayong Setyembre: ang pinakamabigat na banta sa kapayapaan ay hindi lamang ang pagnanakaw ng pondo ng bayan, kundi ang pagkasira ng isipan ng Pilipino.

Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto C. Torres Jr., batay sa testimonya ng mga dating rebelde—lalo na ng kabataan—paulit-ulit na lumalabas na ang sistematikong katiwalian ay ginagamit ng CPP-NPA-NDF upang hikayatin silang sumapi sa armadong pakikibaka. Binalaan niya na tinatarget ng mga rebelde ang idealismo ng kabataang Pilipino, mga estudyante, at maging mga lingkod-bayan, sa pamamagitan ng pagbabaluktot ng mga lehitimong isyu bilang kasangkapan sa pagrerekrut.

“Ang pinakamasidhing uri ng katiwalian ay ang katiwalian ng mga pagpapahalaga na nagno-normalisa sa karahasan bilang kasangkapan ng pagbabago at itinuturing na kahinaan ang dayalogo,” ani Torres.

“Dinadakip nito ang alab ng katarungan at inihahantong sa pagkawasak,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin ng opisyal ng task force na ang mga paaralan, pamantasan, at mga pook pamayanan ay dapat manatiling mga santuwaryo ng talakayan at pakikilahok sa demokrasya—hindi mga entablado ng marahas na ekstremismo. Binanggit niya ang mga pangyayari sa Mindoro, kung saan ginamit ang alegasyon ng “militarisasyon” upang linlangin ang mga estudyanteng aktibista, at ang panggugulo sa University of the Philippines General Assembly of Student Councils ng mga grupong may agenda na walang kinalaman sa kapakanan ng mga estudyante.

Ang mga ito, dagdag ni Torres, ay mga halimbawa kung paanong sinasal infiltrate ng CPP-NPA-NDF ang mga lehitimong plataporma, na ginagawang marahas na radikalismo ang sigla ng kabataan.

Nilinaw din ni Torres na ang pagsisikap ng NTF-ELCAC na papanagutin ang mga teroristang recruiter ay hindi dapat ipagkamali bilang pag-atake sa aktibismo.

“Suportado namin ang makabuluhang aktibismo at kritikal na pag-iisip. Haligi ang mga ito ng ating demokrasya. Ang tinututulan namin ay ang sinasadyang manipulasyon ng ating kabataan at mga pamayanan upang yakapin ang karahasan,” binigyang-diin niya.

Dagdag pa ni Torres, kaayon ng posisyong ito ang mga internasyonal na kasunduan, kabilang na ang mga protocol ng UN laban sa pagrerekrut ng mga bata ng mga armadong grupo.

Nanawagan ang NTF-ELCAC sa lahat ng sektor na magkaisa laban sa materyal at moral na katiwalian:

Mga Mambabatas: Magpasa ng mas matitibay na batas laban sa katiwalian at pagrerekrut ng terorista.

Mga Magulang, Guro, at Pinuno ng Pamayanan: Maging mapagmatyag sa pagbabantay sa kabataan at sa pagtatanggol sa demokratikong espasyo.

Lahat ng Pilipino: Magtaguyod ng kapayapaan sa tahanan, paaralan, trabaho, at pamayanan sa pamamagitan ng makabuluhang dayalogo at paggalang sa isa’t isa.

“Ang isang bansang bulok ang isipan ay isang bansang nasa matinding panganib,” pahayag ni Torres. “Ngayong Peace Month, magsama-sama tayo upang patibayin ang pinakamahalaga nating yaman: ang maliwanag na diwa at integridad ng sambayanang Pilipino.”