Advertisers

Advertisers

Pondo sa proyekto pinalustay ng gabinete sa kampanya ng utol

0 16

Advertisers

NAKAKAHIYA naman ang isang isang opisyal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., dahil sa sobrang kakapalan ng mukha, pinagastos lang naman sa kampanya nitong nakalipas na halalan ang bahagi ng pondong ng isang itinayong gusali para sa kandidatura ng kapatid nito.

Nakakalungkot dahil sa kalupitan ng opisyal ng gobyernong ito, hindi man lamang kinalahati ang pondo para sa proyekto kundi mas mataas pa ang halagang inilaan sa kampanya.

Pinadaan pa sa isang local official ang nagkakahalagang P150 milyon funds para sa isang proyekto, at P50 milyon lamang ang napunta sa proyekto at ang P100 milyon napunta lahat sa kapatid ng naturang opisyal at nanalo pa.



Sa kabila ng kilala namang maimpluwensya ang ankan ng opsiyal na ito ng pamahalaan at mayaman din naman, hindi pa din pala nagpapalusot sa kickback sa ilang proyekto ng pamahalaan.

At balita pa kaya malakas ang opisyal na ito, nagbibigay ito ng campaign funds sa ilang mga tumatakbo ding pulitiko hindi lang natin alam baka nagbigay din umano ito sa pangulo kaya ganoon na lamang ito kalakas ng loob at ang tigas ng mukha.



Hindi mo naman puwedeng sabihing mahirap ang opsiyal na ito dahil mayroon itong bahay sa isang marangya at kilalang village sa Metro Manila bagama’t ang kanilang pamilya kilalang mga pulitiko sa Mindanao.

Sa bagay magkakasabwat naman sila ng mga kaalyado niyang mga pulitiko din sa kanilang lugar kaya ganoon na lang kagrapal ito sa kanyang gawain.



Kaya dapat magkumpisal kay Fr. Anton Pascual ang opisyal na ito upang sa ganoon mabawasan ang kanyang kasalanan para bago mawala sa mundo nakahingi na siya ng tawad sa Panginoon.