Advertisers
PATULOY pa rin ang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa nangyaring pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University na ikinasawi ng dalawang estudyante.
Sa ambush interview, sinabi ni NBI Director Atty. Melvin Matibag na nakikipag-ugnayan na ang NBI sa Pambansang Pulisya, na nag-iimbestiga rin sa insidente.
Sinisilip din umano ng bureau kung may ugnayan ito sa iba pang insidente sa paaralan.
Kailangan din aniyang siyasatin ang kabuuan ng insidente bago matukoy kung may pananagutan ang pamunuan ng Ateneo.
Nangyari ang pamamaril noong Martes, Agosto 18 at sinasabing umakyat ang Grade 8 na shooter sa ikalimang palapag ng Ateneo de Zamboanga University Junior High School at kinitil din ang kanyang sarili.
Magugunitang noong Hunyo lamang, isang 14- at 15-anyos na estudyante rin ang namaril sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong katao.