Advertisers
Ni TIMMY BASIL
NAKU kapatid na BLESSIE, I’m proud to say na dito sa POLICE FILES unang nailathala ang Mhalyn. Sinulat ko yun nung hindi pa sila nagkita.
Ang official na pagkikita ng MhaLyn (Mhack Morales and Analyn Bataller) ay noong July 27 lang so officially wala pang 2 months ang kanilang love team. Si Mhach Morales ay member ng Magic Voyz at mina manage ni Lito de Guzman at si Analyn Baþaler naman ay si Jovan David.ng JDP Production.
Naging special guest sila sa concert ni Elias sa Cebu last August 23 at grabe ang hiyawan sa kanila. Ang taas ng actual views ng Water Wold hotel official nung sila na ang nag perform sa stage at bumaba rin Nung natapos Sila .
Samantala, dibdiban na ang ensayo ng Mhalyn at ng Magic Voyz sa first ever concert nila sa Viva Cafe sa September 30 at October 1.
Balita ko may mga mga mommies ng Mhalyn na mga OFWs na uuwi lang ng Pinas para manood ng concert.
Exciting ito at dito malalaman kung tanggap ba ang dalawa bilang concert performer.
Sa mga wala pang ticket, may natitira pang tickets for October 1 pm text lang ako.
At ang next na aabangan sa kanila ay ang US tour nila. YES, worldwide na talaga sila.
Ito , kakikita ko lang ngayon sa post ng official page ng Paduk Entertainment LCC, Isang sikat na show promoter sa mga kilalang Pinoy artist sa US territories at nakalagay doon, welcome to the US and see you soon MhaLyn .
Grabe, ang bilis ng mga pangyayari at salamat Lito de Guzman, talagang pinapagana mo ang iyong connection.
***
TAME LANG ANG SPOOF NI MICHAEL V KAY DISCAYA
SINASABI na idedemanda ni Sara Discaya si Michael V sa panggagaya sa kanya sa Bubble Gang bilang Ciala Dismaya.
Wala namang kadema-demanda doon. Di nga nagdemanda noon si former president Gloria Macapagal Arroyo na grabe rin kung ii spoof ni Bitoy noon.
Imbes na magdemanda, paghandaan na lang ni Discaya ang mga charges sa kanya at patunayan niya na di siya guilty.
Ang hirap na ngayong mag flex ng yaman sa socmed, kaya ako Ate Bless, di ko ipe flex talaga ang kubo ko sa San Mateo, hahaha.