Advertisers
Ni Anne Venancio
Ibinahagi ni Lara Quigaman sa isang Instagram post ang video kung saan makikita na tumutubo na ang kanyang puti at uban na buhok, na matagal niyang tinatakpan sa pamamagitan ng regular na pagpa-hair dye.
Ayon sa Miss International 2005 titleholder, pagod na siya sa mahabang panahon ng pagtatago at pagsisikap na mapanatili ang “perpektong” itsura, kaya pinili na niyang tanggapin ang natural na pagbabago sa kanyang katawan.
“Iláng taon ko tinago, tiniis, tinakpan… and I’m done. Pagod na ako. Ayoko na,” ani Lara sa kanyang caption.
Ibinahagi rin niya na bata pa lamang siya ay napapansin na ang pagputi ng kanyang buhok, at mula sa kanyang early 30s ay regular na siyang nagpapakulay tuwing dalawang linggo. Namana rin umano nila ng kanyang mga kapatid ang maagang pag-uban mula sa kanilang ama.
“So call me lola or grandma, it’s okay… I’m going to try and rock this white hair,” dagdag pa niya.
Diniin din ni Lara na handa na niyang yakapin ang self-acceptance at bitawan ang pressure ng pagiging “perfect,” kahit pa may mga pagkakataong gusto pa rin niyang itago ito.