Advertisers

Advertisers

Denise Frias wish maging lawyer ng mga celebrity

0 120

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

PURSIGIDO ang dating aktres na si Denise Frias na matupad ang kanyang pangarap na maging isang abogado, kaya naman hindi naging hadlang sa kanya ang struggles na pinagdaanan.

Nag-aral siya ng Law sa San Sebastian College-Recoletos Manila, then lumipat sa Don Mariano Marcos Memorial State University sa La Union hanggang sa nakapagtapos. Second degree na ito ni Denise, una siyang nag-graduate sa FEU ng kursong BSBA major in Marketing Management.

Bakit niya naisipang mag-aral ulit? “Unang-una po, parang napagtripan ko lang talaga ang pag-eenroll sa Law school since pandemic noon. First year to third year, di ko po talaga sineseryoso. Pagdating ng fourth year, di ko rin sukat akalain na fourth year na pala ako, roon ko na po sineryoso. Sayang din po kasi yung pagkakataon na baka palarin maging abogado. Sa family po kasi namin, lawyers din talaga. Si lolo judge, mga pinsan ko po lawyers din, kaya itinuloy-tuloy ko na hanggang sa naka-graduate at nakapag-take po ng bar exam.”

Ikinuwento ni Denise ang pinagdaanang struggles para matupad ang dream na maging abogado. “Ang hirap po ng law school journey ko especially sa province, kasi iba po yung culture dun, iba iba rin po makakasalamuha mong mga tao compared sa nakagisnan ko sa Manila, so ang laking adjustments po talaga. May mga tsismis about me na completely false talaga…

“Para sa akin tito, mas mahirap yung law school journey ko kaysa sa pagre-review ko. Kasi sa law school, di ako masyadong nakakapagbasa eh since working din. so kabado talaga ako kasi alam ko sa sarili ko na hindi ako prepared. While during the review proper, medyo nabawasan kaba ko kasi alam ko na mayroon akong binabasa. Although may times na kinakabahan, pero twice lang yata ito nangyari during the whole bar review sessions ko.”

Dagdag pa niya, “Hindi ko makakalimutan during my review, yung support sa akin ng family ko kasi sinamahan nila ako during bar days sa SLU, Baguio City. Nagpapasalamat din ako kay Dean Honorio G. Buccat Jr., Atty. Rozzanne, Atty. Balanag, Amira, Kim, Sir Jerome, Mark Carlo and sa mga kaklase ko po na nakatulong sa law school journey ko, Elizabeth, Coleen, Ellen, Rommel, Vanessa and si Atty. Dale na laging nandyan, hanggang sa maka-graduate ako at mag-take ako ng bar. Sobrang bait po niya sa akin. Include ko na rin po sa pasasalamat yung mga friends ko in Manila and Pangasinan and yung former co-workmates ko na ipinagdasal pa po ako.

“I am hoping po tito na 100% passing rate po kami sa DMMMSU.”

Nabanggit din niya ang wish gawin kapag naging ganap na abogada na.

“Sa ngayon ang wish ko po, makatulong sa celebrities especially sa rights nila na granted ng ating batas. Alam ko po kasi yung pressure na nararanasan nila, yung trauma, anxiety, depression lalo na pag naapakan yung rights nila as a public figure. Hirap sila ipagtanggol ang sarili nila, kasi nag-iingat din sila, very limited ang galaw nila. So, gusto ko rin po maging instrument para makatulong sa kanila,” sambit pa ni Denise.