Advertisers

Advertisers

2 ‘killers’ ng transgender sa Valenzuela, timbog

0 1,681

Advertisers

Arestado ang dalawang responsable sa pagpapaslang sa isang transgender na babae sa Valenzuela City.

Sa isinagawang imbestigasyon sa pagkamatay ng biktimang si Ernesto Macalalay Jr., kilala rin bilang si “Christine”,   44-anyos na transgender woman, isang therapist na nagresulta sa pagka sa dalawang lalaking suspek sa ikinasang hot-pursuit operation ng Valenzuela City Police.

Ang walang buhay na biktima natagpuan 11:20 ng gabi noong Setyembre 22, 2025 sa loob ng inuupahan nitong   apartment sa Barangay Malanday, Valenzuela City makaraan huling makitang buhay 10:20   ng gabi ng Setyembre 21, nang bumili ng kape sa tindahan.

Ayon sa mga kapitbahay, nakarinig sila ng ingay at pagtatalo sa unit ng biktima .

Sa direktiba ni PCOL Joseph Talento, Acting Chief of Police ng Valenzuela City Police Station, isinagawa ang   follow-up operation na nagresulta sa pagkahuli sa mga suspek sa pamamagitan ng backtracking sa mga   CCTV footage at matunton ang mga suspek.

September 24 , Miyerkoles, 3:00 ng madaling araw , pinangunahan ni PCPT Robin D. Santos, Officer-in-Charge ng   Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), ang pagkasakote sa mga suspek sa Pilar Street, Tondo, Manila:

Kinilala ni NPD Director PBGen. Jerry Protacio ang mga naarestong suspek na sina alyas “Coy-Coy”, 27, helper, at alyas “Jay”, 27-anyos, construction worker, pawang mga   residente ng Tondo, Maynila.

Sasampahan ng kasong Murder (Article 248, Revised Penal Code) at sasailalim sa inquest proceedings sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.(Beth Samson)