Advertisers
Tinaguriang “living miracle” ang isang sanggol matapos niyang kaisa-isang makaligtas sa trahedyang ikinasawi ng kanyang pamilya nang yanigin ng magnitude 6.9 na lindol ang Cebu noong Setyembre 30.
Ayon kay Dr. Bianca Lopez Salimbangon, nasawi ang mga magulang at kuya ni baby Briana Grace matapos tamaan ng malaking bato ang kanilang bahay sa Gibitngil Island, Medellin, Cebu na naging sanhi ng pagguho nito.
Kasalukuyan umanong nasa pangangalaga ng kanyang lolo at lola si baby Briana.
“By God’s grace, beautiful baby Briana was spared,” ani ng doktora sa kanyang post.
Patuloy naman siyang nananawagan ng tulong para sa sanggol at sa kanyang pamilya.
Ayon kay Salimbangon, nakapagbigay na sila ng cash assistance mula sa mga donor, ngunit bukas pa rin ang pagtanggap ng tulong para sa suporta kay baby Briana.
“Your kindness and compassion will go a long way in helping Briana as she begins this difficult journey,” dagdag pa ni Salimbangon.