Advertisers
Opo narinig muli ang sigaw ng taong bayan kontra sa mga tiwali ng lipunan sa SM MOA.
Naganap ito noong Linggo sa game ng UP kontra sa DLSU.
Kung dati sa kalsada lang ito ginagawa ay nagiging regular na ito sa UAAP.
Noong una sa laban ng UP vs Ateneo.
Pero kung noon ang UP Pep Squad lang ang nasa floor, ngayon nagsanib puwersa ang State U Pep Squad at ang La
Salle Animo Team sa court. Lalong malakas ang tunog ng mga drum at higit ang lakas ng chant ng …Mga Kurakot, Ikulong na yan.
Sama-sama mga estudyante at mga alumni sa paghiyaw.
Nagtapos ang cheerdance nila sa pamamagitan ng pinagpalit na last act. Ang UP sa kanilang bow and arrow stance at ang La Salle naman sa Oblation pause.
Galit na galit talaga ang mga mamamayan.
Tama na , sobra na, panagutin na ang mga kurap.
***
Sa ika- 27 ng buwang kasalukuyan ay espesyal na bisita natin si Michael Keon sa OKS@DWBL. Makakasama ng pasimuno ng Gintong Alay ang pangunahing magsusulat ng libro hinggil sa proyekto na si Noel Albano, batikang sportswriter at author.
Inaasahan na ikukuwento ng pinsan ni PBBM ang buong istorya ng G.A. Ito’y mula simula hanggang nagtapos noong dekada 80.
Kabilang sa narrative siyempre ang mga naging kampeon mula sa programa sa sports noong panahon ni Marcos.
Sigurado mababanggit sina Lydia de Vega, Isidro del Prado, Hector Begeo at Elma Muros.
Matagal na ang planong aklat. Ngayon matutuloy na. Hindi na gaanon ka-busy si Keon pati si Albano.
Marami tayong matututunan sa kwento ng Gintong Alay.
***
Heto take ng dalawang retirado na napakahusay sa opensa hinggil sa depensa sa kanila noong araw.
Alam nyo bang para sa 2x MVP ng PBA na si Willie Miller ay wala siyang kinakatakutan ni isang player na gumawardiya sa kanya.
“Hindi ako kayang bantayan ninumam,” pagyayabang ng produkto ng Letran.
“Kapag na double team ako, doon ako hirap,” dagdag ni Miller.
Para naman kay Bong Alvarez ay si Jeffery Cariaso ang pinakamahigpit dumipensa sa kanya.
“Wide body at kaya ako sabayan ni The Jet,” wika ni Mr. Excitement.