Advertisers
NASAWI ang dalawa katao sa malakas na pagsabog sa isang pabrika ng paputok sa Barangay Partida, Norzagaray, Bulacan nitong Miyerkoles.
Ayon sa mga residente, narinig nila ang isang malakas na putok na yumanig sa lugar bago magtanghali, na agad nirespondehan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP).
Dalawang bangkay ang natagpuan ng mga otoridad, na kapwa nagtamo ng malubhang pinsala kabilang ang matinding sugat sa ulo at mga paa.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (Thony Arcenal)