Advertisers

Advertisers

Titser na bgy. kagawad pinagbabaril sa bus terminal

0 23

Advertisers

NASAWI ang isang guro na isa ring barangay kagawad nang pagbabarilin sa bus terminal sa Barangay Malinis, Lamitan City, Basilan, Martes ng umaga, Oktubre 21.

Kinilala ni Lt .Colonel Elmer Solon, hepe ng Lamitan Police, ang biktima na si Nadzri Asdana Tarahin, 40 anyos, Islamic teacher at kagawad ng Barangay Baguindan sa bayan ng Tipo-Tipo, Basilan.

Samantala, dalawa sa mga suspek ang naaresto na na-kilalang sina Toh Lalung Acalul, 41; Delpi Suratan, 32, kapwa taga-Ungkaya Pukan, Basilan.



Sa report, 10:32 ng umaga nang maganap ang pamamaril sa isang bus terminal sa Brgy. Malinis.

Hininitay ng biktima ang anak na nagwi-withdraw sa isang automated teller machine nang dumating ang mga salarin at paputukan ng ilang ulit ang una.



Isinugod ang biktima sa pinakamalapit na pagamutan nguni’t binawain ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas, habang mabilis na tumakas sakay sa isang itim na Toyota Hilux pick-up at isang motorsiklo na walang plaka ang mga salarin.

Agad naman nadakip ang dalawang sa mga salarin sa pagtugis ng mga otoridad matapos ang pamamaril. Narekober ng mga otoridad sa gunmen ang 2 caliber .45 pistol at shabu.



Sumasailalim na sa imbestigasyon ang mga salarin, habang patuloy ang pagtugis sa ilan pang gunmen na nakatakas.(Mark Obleada)