Aktibong papel ng Amerika sa pagsusulong ng tatlong haligi ng kooperasyon ng ASEAN, kinilala ni PBBM
Advertisers
Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang aktibong papel ng Estados Unidos sa pagsusulong ng tatlong haligi ng kooperasyon ng ASEAN—political-security, economic, at socio-cultural.
Ginawa ni PBBM ang pahayag sa ika-47 ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Gayunman, ipinaabot din ng Pangulo ang matinding pag-aalala sa mapanganib na maniobra at panggigipit na aniya’y panghihimasok sa lehitimong aktibidad ng Pilipinas sa ating teritoryo.
Para sa Pangulo, ito ay paglabag sa UNCLOS o United Nations Convention on the Law of the Sea.
Kasabay nito, tinanggap ni Pangulong Marcos sng ASEAN–United States Joint Vision Statement bilang mahalagang balangkas tungo sa mas matatag na kapayapaan, katatagan, at kaunlaran sa rehiyon. (Gilbert Perdez)