Advertisers
Pinangunahan ni San Pascual Mayor Roanna Conti ang pamamahagi ng relief goods sa mga kababayan na nasa evacuation center kasunod ng pananalasa ng Bagyong Uwan.
“Ang mga materyal na bagay maaring maipundar muli, pero iisa lamang ang buhay,” pahayag ni Mayor Roanna Conti.
Kasama ng alkalde ng San Pascual ang Municipal Social Welfare and Development (MSWD) at iba pang sanagay ng LGU-San Pascual.
Nagpasalamat naman si Mayor Conti sa mga kababayang tumalima sa isinagawang force evacuation bago pa tuluyang lumakas ang bagyo.
Kasabay rin nito ang kanyang pagsaludo sa mga magigiting na kawani ng gobyerno kabilang ang, San Pascual Mdrrmc Bats, San Pascual Mps, San Pascual MSWD, San Pascual Rhu, Bfp Riva SanPascual FS, GSS at mga Barangay Officials.