FIBERBLAZE Namigay Ng 5 Brand New Cars, Miguel Tanfelix, Ronnie Alonte At Neil Coleta Pinasaya Ang Event; DJ Jhai Ho Malayo Na Ang Narating Ng Career
Advertisers
Ni Peter S. Ledesma
Last Nov 8, ay super successful at ang bongga, ng ginawang event ng FIBERBLAZE sa Robinsons Mall sa San Pedro, Laguna. It’s their way, para makapag-pasalamat sa walang sawang suporta ng kanilang mga libo-libong subscribers sa buong Cavite and now sa buong Laguna na kanilang sinimulan 2 months ago. And so far going strong, sila sa bilis ng kanilang Unlimited fiber internet at maayos na serbisyo. Nag-perform pala sa nasabing big event ng FIBERBLAZE ang mga sikat na band group sa social media also their brand ambassadors Kapamilya actors Neil Coleta, Ronnie Alonte and Kapuso dancer-actor na si Miguel Tanfelix na 2 years, and going to 3 years ng brand ambassador ng FIBERBLAZE, na just recently, ay kare-renew lang ng contract along with his Ka-Sparkle artist na si Arra San Agustin na latest celebrity endorser naman ng said fast-growing fiber internet provider and cable TV operator. At wow, namigay lang naman ng 5 brand new Toyota Cars ang FIBERBLAZE para sa kanilang mga suking loyal subscribers. Di ba, ang saya-saya!
Samantala, nakausap ng invited press, sa naturang okasyon, kasama siyempre ang inyong columnist ang dalawa sa heads ng said Internet and Cable company na sina Sir Alvin at Sir Paulo Panganiban. At ayon sa kanila.
“We just opened 2 months ago no. Originally we are from Cavite since 1998. We started as a cable TV operator.
“And we transitioned back in 2015 to the full fiber internet provider. So now we’re expanding from Cavite to Laguna.” Maganda rin daw ang feedback ng subscribers nila sa Cavite. “So we want to try and give Laguna the same experience na binigay namin sa Cavite. We’re aiming this year and next year here in Laguna. Target rin ng FIBERBLAZE at nasa planning stage na rin nila ang Batangas.
“We’re aiming this year and next year here in Laguna. Ayon naman kay Neil Coleta na isa sa kanilang mga original brand ambassadors. Mabilis at maganda talaga ang serbisyo ng Fiberblaze at nagagamit niya ito sa kanilang mini Grocery store business ng pakakasalan soon na si Chinkee na mother ng kanyang 2 daughters. Taga Dasmariñas, Cavite itong si Coleta na kasabayan naman na ambassadors ay sina actress Arny Ross at TV Personality na si Norman Bustos. At ito namang si Ronnie Alonte, ay rich na pala at owner na ng 2 resorts sa Biñan Laguna at Zambales. Target raw nila ng girlfriend si Loisa Andalio na magtayo ng isa pa sa Tagaytay naman. Happy si Ronnie at papunta na sa buong Pilipinas, ang ineendorsong Internet and Cable TV provider company, at sa wakas ay ma-eexperience na raw nila ni Loisa ang lakas ng signal nito sa Biñan Laguna.
At siyempre pa si Miguel Tanfelix, na masaya para sa success ng FIBERBLAZE.
“Nakausap ko ang isa sa mga heads ng FiberBlaze, sa contract signing. Sobrang laki ng plano nila for this brand.
“Kaya ako, excited na rin ako. And happy ako na kasama ako sa journey nila from the start. Hindi man ako yung from day 1 one pero noong nagsisimula pa lang sila, happy ako nandoon ako to support them. And3 nararamdaman ko naman po, na ganoon din naman nila sa akin.” Pahayag pa ng poging aktor. Thank you for the invite for this event my Dearest Pretty and extremely kind friend Ms. Aiz Domingo. Also to the very sweet, Kyle Paderes De Leon.
***
Nasubaybayan namin ang pagsisimula ng career ng sikat na ngayong si DJ Jhai Ho. Yes madalas namin siyang makita na nag-aanchor ng kanyang well-followed na program sa MOR na FM Station ng ABS-CBN. Now look at DJ Jhai Ho nainterview lang naman nito ang mga big stars ng Kapamilya Networ like megastar Sharon Cuneta, Judy Ann Santos Etc sa kanyang Online show noon na ” Showbiz Pa More” na hanggang ngayon ay mapapanood pa rin sa Jeepney TV ang replays episodes.
At take note, isa sa kumilala sa Superb talent ni DJ Jhai Ho ay si Direk Johnny Manahan o Mr M lang naman kung saan pinapirma siya nito ng contract sa Star Magic noong panahong hawak pa nito ang Star Magic. At since maging talent siya rito ay ilang malalaking Teleserye ang nagawa ni DJ Jhai Ho, na support siya sa mga bida. Gayun din ang mga TV guestings sa mga show sa ABS-CBN. Mahusay rin itong Event host.
Sa ngayon ay mapapanood ang Official BESHY ng BAYAN na si DJ Jhai Ho bilang Showbiz Patroller at segment na #JhaiHotExlusives sa “Arangkada Balita” sa PRTV Prime Media. Nariyan rin ang kanyang “Bongga Ka Jhai” na mapapakinggan naman every Sunday at 12 noon to 1:30 pm sa DZMM Radyo Patrol 630. Magkasama naman sila ni Ahwel Paz sa “Alam Na Dis” na umeere rin Monday to Friday sa DZMM Radyo Patrol 630.
May Thai Tea Shop na rin si DJ Jhai Ho na Baa Baa at may 5 branch na siya nito sa SM Manila, SM San Lazaro, SM North EDSA Annex, UST Dapitan at ang pang limang branch sa sa may Malate Manila. May mga investment na rin ang sikat na TV and Radio Personality tulad ng bahay at kotse. At may pasabog ito sa kanyang career, na tiyak kaming mas lalo pang magiging Blooming!