Advertisers

Advertisers

38th AWIT AWARDS POWERED BY VIBE: MAS MALAKAS, MAS MAKABAGO, MAS #LEGIT NA PAGDIRIWANG NG OPM

0 22

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

Handa na ang 38th Awit Awards powered by Vibe para sa pinakamalaking selebrasyon ng OPM ngayong taon! Pinagsasama ng parangal ang legacy ng Awit Awards at ang youthful energy ng Vibe para sa isang mas inclusive, at mas interactive na show para sa lahat ng fans ng musikang Pilipino.

Pinamumunuan ng showbiz legend na si Johnny “Mr. M” Manahan, tampok sa awards night ang mga show-stopping performances nina Ben&Ben, Over October, Lola Amour, Dionela, at marami pang iba.

Samantala, pangungunahan ng Vibe Jocks na sina Dylan Menor, Elijah Canlas, Joao Constancia, Ana Ramsey, Maxie Andreison, Ryle Santiago, Paulo Angeles, Kych Minemoto, at Queenay Mercado ang hosting duties, kasama ang Gen V correspondents para sa exclusive backstage access at real-time content para sa fans.

Ngayong taon, ipinapakilala rin ang Purple Carpet—isang mas dynamic at closer sa fans na pre-show experience kung saan pwedeng makipag-engage at maki-feels with OPM artists up-close.

Hindi lang ito basta awards night kung hindi isang movement na nais itaas at itaguyod ang Filipino music sa pamamagitan ng collaboration ng Philippine Association of the Record Industry (PARI) at MQuest Ventures’ Vibe. Mula sa pagpapakilala sa new voices hanggang pagbibigay parangal sa mga haligi ng industriya—lahat ito para maipakitang buhay, lumalago, at global-ready ang OPM.

Gaganapin ang 38th Awit Awards powered by Vibe sa November 16, 2025 sa Meralco Theater. Mapapanood ito live sa TV5 at sa social media pages ng Vibe PH, TV5, MQuest Ventures, at Awit Awards.

Tara, makisali sa mas makabagong selebrasyon ng OPM. Ito ang totoong #LEGIT.