Advertisers

Advertisers

Karapatan, at tanggapin ang harm reduction panawagan ng mga konsyumer sa WHO FCTC

0 35

Advertisers

Nanawagan ang mga grupo ng konsyumer sa World Health Organization (WHO) na isama ang tobacco harm reduction (THR) sa pandaigdigang patakaran nito sa pagkontrol ng tabako at pakinggan ang tinig ng mahigit isang bilyong konsyumer sa nalalapit na pulong sa Geneva, Switzerland.

Nakaplano ang WHO Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) na idaos ang ika-11 Conference of the Parties (COP) mula Nobyembre 17 hanggang 22, 2025, kung saan tatalakayin ang mga bagong patakaran sa pagkontrol ng tabako.

Ayon sa mga grupong tulad ng Vaper Ako, Consumer Choice Philippines (CCP) at Nicotine Consumers Union of the Philippines (NCUP) na dapat pakinggan ng WHO ang tinig ng mga naninigarilyo, bilang mga direktang target ng mga patakarang pangkalusugan.



Sa isang petisyon sa Malacañang noong Nobyembre 13, 2025, sinabi ng mga vaper at mga grupo ng konsyumer na nakalikom sila ng mahigit 47,000 lagda para itaguyod ang karapatan ng mga konsyumer sa mga inobasyon sa mas hindi nakakapinsalang alternatibo sa paninigarilyo.

Isinumite nila ang petisyon bago ang nalalapit na talakayan ng FCTC COP 11 sa Geneva.



Ipinahayag ng Vaper Ako ang suporta nito para sa tobacco harm reduction, dahil ang mga alternatibong walang usok tulad ng e-cigarettes at heated tobacco products ay nakatulong sa maraming Pilipino na makalayo sa paninigarilyo.

Ayon sa Vaper Ako, hangad nila ang isang smoke-free na bansa kung saan ang bawat Pilipino ay may mas mahusay na pagpipilian at hindi nakapako sa mapanganib na sigarilyo.



Nanawagan ang Vaper Ako sa Pangulo na suportahan ang mga patakarang nakabatay sa katotohanan, agham at pagmamalasakit.

Idiniin din ng grupo ang pangangailangang ipagtanggol ang Republic Act No. 11900 o ang Vape Law na sumasalamin sa pambansang pangako sa tobacco harm reduction.

Samantala, sinabi ng CCC sa isang pahayag na dapat kilalanin ng WHO FCTC ang kanilang karapatan na pumili ng mga produkto na magpapababa ng pinsala mula sa paninigarilyo sa ilalim ng THR.

Ang THR ay isang public health approach na nagbibigay ng mas hindi nakakapinsalang alternatibo sa sigarilyo tulad ng vapes, heated tobacco at nicotine pouches. Ipinapakita ng mga pag-aaral na siyentipiko na ang mga produktong non-combustible na ito ay mas hindi nakakapinsala kaysa sa sigarilyo.

Malinaw ang ebidensya na ang pagsunog ang nakamamatay, at hindi ang nikotina, ayon sa CCC at NCUP. Anila, mayroong mas ligtas na mga alternatibo at epektibo ang mga ito.

Pinaalalahanan ni Anton Israel, presidente ng NCUP, ang WHO na ang mga konsyumer ng nikotina ay hindi ang kalaban. Nanawagan din siya para sa tapat na edukasyon para maunawaan ng mga naninigarilyo na may hindi nakakapinsalang alternatibo.

Sinabi ni Israel na bagama’t nakaka-adik ang nikotina, hindi ito nagdudulot ng kanser. Idinagdag niya na ang usok mula sa mga sigarilyong combustible ang responsable para sa sakit sa puso at baga.

Hindi dapat parusahan ng WHO ang mga naninigarilyo dahil sa hindi pagtigil. Bagkus, dapat silang tulungang magtagumpay, ayon kay Israel.

Hinimok din ng NCUP ang WHO na muling suriin ang kasalukuyang patakaran nito sa pagkontrol ng tabako, na anila ay bigo na bawasan ang pandaigdigang bilang ng mga naninigarilyo.

Sa Pilipinas, ang antas ng paninigarilyo ay umakyat sa 23.2 porsyento noong 2023 mula sa 18.5 porsyento noong 2021, na iniugnay ni Israel sa mga patakarang pinamumunuan ng WHO na nagpalala sa problema at nag-ambag sa illicit cigarette trade dahil sinamantala ng mga smuggler ang mataas na excise taxes.

Nanawagan din ang mga konsyumer para sa reporma sa buwis, mas masiglang pagpapatupad ng panukala laban sa illicit trade at mga balangkas para tulungan ang mga naninigarilyo na lumipat sa mas hindi nakakapinsalang alternatibo.

Dapat kilalanin ng WHO ang karapatan ng mga bansa na magpasa ng mga sumusuportang regulasyon tulad ng Vape Law, na naglalayong bawasan ang pinsala mula sa paninigarilyo, ayon sa NCUP.

Sinabi ni Israel na ang Vape Law ay nagbibigay ng komprehensibong balangkas ng regulasyon para sa vaporized nicotine at mga produktong non-nicotine habang nagtatatag ng mahihigpit na safety nets.

Kailangang protektahan ang Vape Law mula sa mga pagtatangka ng WHO at iba pang ahensya na pahinain ang harm reduction sa Pilipinas, ayon kay Israel.

Naglabas ang Public Health England ng isang ulat na nagpapakita na ang vaping ay 95 porsyentong mas hindi nakakapinsala kaysa sa sigarilyo.

Ang isang pag-aaral ni Professor Christopher Cabuay, na pinamagatang “Assessing the Impact of Shifting to Non-Combusted Alternatives to Reduce the Economic Cost of Tobacco-Related Illnesses: A Cost of Illness Approach in the Philippine Case,” ay nagsabing kung kalahati ng mga Pilipinong adult smoker ay lumipat sa mga alternatibong non-combustible, ang bansa ay maaaring makatipid ng P3.4 bilyon taun-taon sa mga gastusin sa pangkalusugan.

Dadalo sa COP ngayong taon ang mga delegado mula sa 183 bansa na parties sa WHO FCTC, isang internasyonal na kasunduan na nagsimula noong 2005.

Sinabi ng CCC na dapat isama at itaguyod ng WHO ang mga patakarang nakabatay sa agham na nagpoprotekta sa kalusugan ng publiko habang iginagalang ang mga karapatan ng konsyumer.

Ayon kay Israel, oras na para sa WHO na pakinggan ang tunay na mga karanasan ng konsyumer at itigil ang pagpapataw ng mga sukdulang patakaran na nagmamasama sa mga konsyumer ng nikotina.