Advertisers
Ni Beth Gelena
NAGKAROON ng red carpet premiere night ang indie movie na Signum.
Bago ako naospital ay napanood ko pa ang premiere night ng nasabing pelikula kung saan ang mga bida ay pawang mga baguhan lamang.
Tanging si Jao Mapa ang aktor na may pangalan sa movie dahil hindi raw niya mapahiindiab ang producer na si Marie Lou Menez ng Red Tiger Multi Media Production.
Simple alamang ang kuwento ng pelikula.
Pero bago sinimulan ng team ang premiere ay ipinakita ng mga talent ng movie ang iba pa nilang skills.
Nagbigay muna sila ng entertainment numbers kung saan inawit ni Francine ang theme song bf movie na Liwanag sa Dilim.
Maging ang na female young girls na Kentrixx ay nagpamalas din ng kanilang galing sa pag-awit.
Ang kuwento ng SIGNUM ay tungkol sa isang babae na nagpapakita sa panaginip bf bidang lalaki na si Ken Castelo. Humihingi siya ng katarungan. Dahil nagtataka si Ken kung bakit lagi niyang nakikita ang babae ay pinuntahan niya ang isang lumang bahay kung saan kusa siyang dinala ng kanyang mga paa.
Sa nasabing bahay ay nakita niya litrato ng isang babae na si Dahlia.
May nakatagong kuwento kung bakit marami ang hindi nakakaalam kung bakit nawawala si Dahlia.
Tinuklas ni Ken ang bumabalot sa katauhan ni Dahlia kasama si Leah Marie Dinson ( na may third eye).
May pagkaPinoy hero ang Signum na lumulutas sa mga may problema na naakit ng maligno.
Nakilala nila si John Rey Infante Mendoza (ka-look-alike ni Empoy Marquez) para alamin kung papano kakalabanin ang isang mambabasang na napakalakas ng impluwensiya.
Si Jao ama ng isa sa bida ay iniwan ang anak para naman hanapin ang isa pang anak na lalaki na umibig sa isang diwata, pero hindi na nakabalik sa kanyang piling.
Sa eksena ng aktor, hinahabilin niya ang isang anak na si Miguel ‘Miggy’ Plaga sa isang Kapitan.
Kung tutuusin hindi boring ang pelikula, bagkus may love story at family drama sa isang suspense horror film na sinulat at dinirehe ni Mark Agcaoili Bago. Kasama rin Sina Gillian Francesca, JC Garcia, Precious Millanes, batang si Leana Maxine, Eduard Santos (John Estrada ka-look-alike).
Masayang Masaya si Marie Lou Meñez, may-ari ng Red Tiger Multi Media sa tagumpay ng premiere night.
Siniguro pa nito na may part two ang Signum.
May napili na silang lokasyon sa Leon’s Seafood house pag-aari ni Ptr. Noel Plaga, na siya rin associate producer.
Ang goal ni Marie Lou ay mabigyan ng project ang kanyang mga alaga at ihubog nang buong husay sa larangan ng pag-arte.