Advertisers

Advertisers

Rosa Rosal pumanaw sa edad na 97

0 8

Advertisers

Ni Anne Venancio

MULING nagluluksa ang showbiz sa pagpanaw nung Nobyembre 15 ng isa sa kinikilalang haligi ng pelikulang Pilipino na si Rosa Rosal sa edad na 97.

Tanging si Toni Rose Gayda lang ang naging anak nito at apo na si Edward John. Lubhang ikinalungkot ng pamilya ang trahedyang sinapit ng isa pang anak ni Toni Rose na si Edward James, na nasawi sa isang aksidenteng pagkahulog sa condo ng ama nito na si Moonie Lim.

Si Rosa Rosal ay si Florence Lansang Danon sa tunay na buhay, mula sa pamilyang Pilipino-French-Egyptian. At bago pa man maging artista, nagsimula siyang newsreader sa isang Hapon na istasyon at nagtrabaho rin sa San Lazaro Hospital.

Then napansin ng producer na si Luis Nolasco na naging daan ng kanyang pagsikat sa mga pelikulang Biglang Yaman, Anak Dalita, Badjao, at Biyaya ng Lupa.

Kinilala rin siya ng FAMAS at nabigyan ng citation ni Pangulong Ramon Magsaysay.

Sa likod ng kamera, naging tagapagtaguyod siya ng blood donation campaign ng Philippine Red Cross.