Advertisers
Ni Anne Venancio
BALITANG tinanggihan umano ni Nadine Lustre ang isang malaking soft drinks endorsement na nagkakahalaga ng ?10 milyon.
Ani Nadine, simple lang ang dahilan niya, hindi siya umiinom ng soft drinks.
Kilala ang aktres sa pagiging health-conscious at sa vegan lifestyle niya kaya ‘di raw swak sa kanya ang produktong inaalok.
Samantala, naging usap-usapan ang naging pahayag ni Issa Pressman sa panayam sa kanya ni Karen Davila.
Nilinaw ni Issa na nagpakita siya ng respeto at nag-message muna kay Nadine bago nila inilantad sa publiko ni James Reid ang kanilang relasyon kung saan mabait, mahinahon at walang bahid ng sama ng loob ang naging sagot umano sa kanya ni Nadine.