Advertisers

Advertisers

DI ITO CLIMATE CHANGE, KUNG DI KASWAPANGAN

0 3

Advertisers

DALAWANG super bagyo ang ating naranasan sa pagtapos ng Oktubre at pagpasok ng Nobyembre. Devastation o’ pananalasa ang ibinunga ng mga ito.

Marami ang nagsasabi, na palakas raw nang palakas ang mga bagyo sa panahong ito, dahil sa ‘climate change.’ Pero mas marami ang aking napapansin, na nagsasabi na ang mga pinsala na naranasan ng ating bansa dahil sa mga bagyo, ay dala ng KASWAPANGAN ng iba nating mga kababayan.

KASWAPANGANG magkamal ng salapi, KASWAPANGANG kumita ng malaki at maraming kwarta. Sa pamamagitan ng ano? Sa paglapastangan sa atin mismong kapaligiran.

Ano ang mga ito? KASWAPANGANG kalbuhin ang ating mga kabundukan, at kagubatan. KASWAPANGAN sa pagmimina. Ito ang tunay na dahilan ng pagbaha, ng mga pinsalang naranasan ng ating mga kababayan na dati’y di naman inaabot ng baha. Mano pa ang ating mga kababayang magsasaka, na nilubog ng tubig baha ang lupaing sinasaka o’ mismong mga naibuwis ang kanilang mga buhay dahil sa pagbaha.

KASWAPANGAN din sa pagbulsa ng mga pondong dapat ay ginasta ng tama, para maapula ang pagbaha, ang isa pang dahilan nakakapinsala.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Kung ganito nang ganito ang mangyayari at hahayaan na lang natin mangyari, tiyak yan, mas matindi na ang ating mararanasan sa susunod.

Kailangan na nating kumilos nang sama-sama. Sama-sama tayong magtanim ng marami pang puno. Sama-sama tayong magbantay sa ating mga kabundukan. Sa ating mga kagubatan. Sama-sama rin tayong tutukan kung tama sa paggasta ng ating kaban ng bayan, ang ating mga mambabatas at mga lider ng pamahalaan.

Sa ganitong paraan lamang natin maibabalik ang tamang pananggalang sa malalakas na bagyo pang darating. Maniwala kayo, di ito bunga ng climate change. Bunga ito ng KASWAPANGAN ng iilan sa mga nasa pamahalaan.

At kung di naman natin mapagtibay ang ating pagbabantay sa mga KASWAPANGAN ito. Eh tingin ko, maghanda na tayong magbuwis ng ating mga buhay.