Advertisers

Advertisers

Abandonadong nilagaring kahoy, natagpuan sa Cagayan

0 16

Advertisers

Natuklasan ng mga kapulisan ng 204th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 2 ang iniwan at mga nilagaring kahoy sa Sitio Marus, Hacienda Intal, Baggao, Cagayan noong Linggo, Nobyembre 16, 2025



Ayon sa ulat, nagsasagawa ang mga kapulisan ng patrol sa kabundukan nang madiskubre nila ang 23 pirasong iba’t-ibang sukat ng troso na pinaniniwalaang ilegal na pinutol at isang paglabag sa Presidential Decree 705 o Forestry Code of the Philippines.

Pagdating ng mga awtoridad, walang sinumang suspek ang natagpuan sa pinangyarihan. Kaagad namang nakipag-ugnayan ang 204th Maneuver Company sa MENRO Baggao para sa wastong dokumentasyon sa nasabat na mga troso habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.(Fidel Coloma)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">