Advertisers

Advertisers

Viral video na ‘compromised’ ang militar, itinanggi ng AFP

0 22

Advertisers

ITINANGGI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Lunes ang isang lumang video na pinost sa social media, na nagmumungkahi na “compromised” ang militar.

Ipinakita sa video ang tawag nina dating House Speaker Martin Romualdez, dating chair ng Appropriations Committee Rep. Zaldy Co, at AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr. tungkol sa pagtaas ng subsistence allowance ng sundalo mula P150 hanggang P350.

Binigyang-linaw ng AFP ang pagtaas ng allowance, naaprubahan para sa 2025, ay inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., upang matugunan ang pangangailangan ng mga sundalo, dumaan sa tamang proseso, at hindi bahagi ng anumang pulitikal na kapalit.



“Ang pahayag na ‘bought’ o ‘controlled’ ang AFP ay mali, pabaya, at kulang sa respeto sa ating mga sundalo,” ayon sa AFP.

Dagdag pa nila, ang pagpapasalamat sa mga mambabatas sa pagsuporta sa reporma ng allowance “ay hindi nagbibigay ng kontrol sa sinuman sa Armed Forces”.