Advertisers

Advertisers

Rep. Benitez naghain ng resolusyon para bigyang pagkilala ang Pinoy Pop Supergroup na SB19

0 4

Advertisers

Naghain ng resolusyonsi Negros Occidental 3rd Dist. Rep. Javier Miguel L. Benitez nang italaga ng Department of Tourism ang SB19 bilang tourism ambassadors at ang makasaysayang matagumpay na performance sa Lollapalooza 2026 at Major League Baseball

Kasama ni Benitez sa paghahain ng House Resolution No. 1280 sina Rep. Nelson Legacion, Sarah Jane Elago, at Kathryn Joyce Gorriceta.



Pinangalanan ng DOT ang  SB19 bilang pinakabagong tourism ambassadors noong July 26 base na rin sa kanilang 2021 appointment bilang Youth and Sentro Rizal Ambassadors ng National Commission for Culture and the Arts.

 



Matatandaan na noong July 29, ginawa ni  Josh Cullen ang ceremonial first pitch sa Chicago White Sox game kontra New York Yankees, na kauna-unahan para sa P-pop group sa standard game night.

Sa sumunod na araw, pinangunahan naman nina Pablo, Josh, Stell, Ken, at Justin bilang first homegrown Filipino act na mag-perform sa Lollapalooza, nagbigay ng 10-song set sa Allianz Stage sa Grant Park kung saan kasama sa mga kinanta ang “DAM,” “GENTO,” at “MAPA.”



Binibigyang-diin din sa resolusyon na ang kasuotan ng grupo sa kanilang pagtatanghal ay nagbigay ng inspirasyon mula sa iba’t ibang elementong Pilipino, kabilang ang mga disenyo mula  Ayala Museum’s “Gold of Ancestors” collection, Ifugao brass pendants, at indigenous embroidery patterns.

“When our artists carry the country with them, they open doors no amount of promotion can buy. SB19 made room for the next Filipino act that follows. The work now is making sure the industries behind them, from music to tourism, are ready for the attention,” pahayag ni Benitez

 Nakapaloob din sa resolusyon ang kahilingang maipadala ang mga kopya nito sa mga miyembro ng SB19. (Boy Celario)