Advertisers
IGINIGIIT ng aktor na si Jomari Yllana na ibi-nibigay niya ang lahat ng suportang kailangan ng dalawang anak niya sa nakahiwalayang live-in partner.
Ayon sa 47-anyos na aktor at Parañaque 1st district councilor, kahit pa may pagdududa siya sa kanyang dating partner na si Joy Reyes lalo’t uma-bot sa mahigit P100,000 ang pinapabayarang electric bill na ang due date noon pang Disyembre 2020 ay sinusuportahan niya parin ito.
Bukod pa rito, natuklasan niya na ibinibenta online ang binibili niyang gatas para sa mga anak na edad dalawa at isang taon gulang.
“Ako na nagbabayad ng bahay, yung food nila, yung vitamins ng babies, clothes. Kumbaga, food, shelter, and clothing. ‘Tapos malaman-laman namin, yung gatas ng anak ko, ibinibenta online?”, pahayag ni Jomari.
Ito na raw ang una at huling beses na magsasa-lita si Jomari hinggil sa isyu.
Noong nakaraang linggo nang magpasaring ang dating partner ni Jomari tungkol sa pagpapabaya ng isang ama sa kanyang mga anak.
“Since he blocked all means of communication, to those who know this guy, kindly inform this ‘Honorable’ COUNCILOR of District 1, PARAÑAQUE JOMARI YLLANA, that his children are sweating in the dark & this is making it worse for Fangio who’s been having fever for a few days now,” bahagi ng patutsada nito kalakip ang larawan ng Meralco bill at ng mga anak habang dumidede sa madilim na paligid.
Sa ngayon ay “back with each others arms” na uli si Jomari at dating sexy actress na si Priscilla Almeda na kapwa nagsabing “first love” nila ang isa’t isa.
Kabilang pa sa mga naging babae sa buhay ni Jomari ang sexy star na si Ara Mina at Aiko Melendez na kanyang ex-wife kungsaan mayroon din si-yang anak.