Advertisers

Advertisers

Mga ‘big fish’ malapit nang makasuhan – SILG Remulla

0 43

Advertisers

TINIYAK ni DILG Secretary Jonvic Remulla na paparating na ang kaso laban sa ‘malalaking isda’ matapos mapuna ng ilang raliyista na ‘puro dilis at sapsap’ lang umano ang naaaresto at nakakasuhan.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Remulla na papunta na ang imbestigasyon sa mga tinukoy na ‘pating at balyena’ o ang mas malalaking personalidad na dawit sa mga isyu.

Paliwanag ng kalihim, binibigyan lamang ng sapat na panahon ang Ombudsman upang tiyaking matibay at may mataas na tsansang maipanalo ang mga kasong isasampa laban sa mga sangkot dito.



Giit ng kalihim, hindi maghahain ng demanda ang Ombudsman hangga’t hindi siguradong may sapat na ebidensya.

Dagdag pa ni Remulla, oras na mag-file na ang Ombudsman ay indikasyon itong kumbinsido ang ahensya sa posibilidad ng conviction. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">