Advertisers

Advertisers

2 SUNDALO PATAY SA BAKBAKAN SA SAMAR

0 46

Advertisers

NASAWI ang dalawang kawani ng Army intelligence sa sagupaan laban sa mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Babaclayon, San Jose de Buan, Samar nitong Miyerkules.

Nangyari ang engkwentro 1:32 ng madaling araw nang magsagawa ng intelligence operations ang pinagsanib na puwersa ng 81st Military Intelligence Company, Special Mission Platoon, at 46th Infantry

Battalion sa ilalim ni 1Lt. Leonel John Garlitos.



Nakipag-engkwentro ang grupo sa mga armadong miyembro ng Squad 3/SALIBAD, Yakal Platoon, Sub-Regional Committee (SRC) Browser ng Eastern Visayas Regional Party Committee (EVRPC).

Hindi pa tiyak ang bilang ng nasawi sa panig ng rebelde dahil umatras sila patungo sa kabundukan.



Nasawi sa engkwentro ang dalawang technical sergeant.

Matagal nang kinikilala ang San Jose de Buan bilang lugar ng operasyon ng NPA.



Patuloy ang pagsisikap ng Philippine Army na buwagin ang EVRPC at tiyakin ang seguridad sa lugar.
(Mark Obleada)