Advertisers

Advertisers

AUTOMATIC ENROLLMENT NG 4PS BENEFICIARIES SA LIFELINE SUBSIDY ISINUSULONG NG MARCOS ADMIN

0 19

Advertisers

Isinusulong ng pamahalaan ang awtomatikong enrolment para sa lahat ng kwalipikadong 4Ps beneficiaries upang mas marami ang makinabang sa lifeline subsidy o diskwento sa kuryente.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, sinabi ni Department of Energy (DOE) Undersecretary Mylene Capongcol na tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang saklaw ng programa para makatulong sa gastusin sa kuryente ng mga pinakamahihirap na konsyumer.

Ayon kay Capongcol, nakikipag-ugnayan na ang DOE sa DSWD at Energy Regulatory Commission (ERC) upang i-uniform ang subsidy rate sa lahat ng distribution utilities.

Sa kasalukuyan kasi, magkakaiba ang disenyo ng lifeline subsidy sa bawat utility kung saan may nagbibigay lamang aniya ng hanggang 50% discount habang ang Meralco naman ay nag-aalok ng 100% sa tiyak na consumption bracket.

Sa bagong panukala, sinabi ni Capongcol na layunin nito na pare-parehong subsidy ang ipatutupad para sa marginalized users at awtomatikong magiging eligible ang isang 4Ps member basta’t kasama siya sa listahan ng DSWD.

Maliban sa minor validation sa spelling o detalye, hindi na umano kakailanganin ng anumang dokumento para sa aplikasyon.

Sinabi ni Capongcol na ang ERC ay nagsagawa na ng public consultation para sa panukalang gawing batayan ang 50 kilowatt-hour per month consumption sa lifeline rate na isang parameter na ilalapat sa lahat ng distribution utilities upang maging patas ang benepisyo.

Kasabay nito, tiniyak ng DOE official na isinasapinal na ang data-sharing agreement kasama ang DSWD at ERC upang magkaroon ng tuloy-tuloy na palitan ng impormasyon. (Gilbert Perdez)