Advertisers
DAHIL sa pinaigting na manhunt operation ng mga pulis laban sa lalaki na nakapatay sa Lebanese, at makalipas ang halos tatlong linggo boluntaryong sumuko sa Baliwag City Police Station 10:00 ng umaga nitong Lunes, Disyembre 8 2025.
Ayon kay PLt.Col. Jayson San Pedro, nakilala ang sumuko na suspek na si alyas Ramil, 47- anyos, driver, residente sa Gapan City ,isinuko rin nito ang cal. 9MM na baril na posibleng ginamit sa pamamaril sa bikimang si Mansour Khalil, 52- anyos, Lebanese National.
Nabatid una nang nanghihiram ng pera ang suspek, sa biktima dahil magkakilala ang dalawa, kaya iniaalok o isinsangla nito ang kanyang sasakyan.
Matatandàang Nobyembre 23 ng taong kasalukuyang sumama si Khalil, at isinakay sa ibinibentang sasakyan, at pumunta sa inuupahang bahay ng suspek, dito na nagkaraong mainitang pagtatalo ang dalawa, dahil tumanggi umano ang biktima sa alok ng suspek na nauwi sa pamamaril sa Brgy, Sabang Baliwag City.
Personal na pinuntahan ni PRO3 Regional Director PBGEN Ponce Rogelio I. Peñones Jr., ang sumuko na suspek, aniya maituturing na case close na ang kaso ng pagpatay sa banyaga at nakamit na rin nito ang hustisya.
Kasabay nito iniharap din ang suspek kay City Mayor Sonia at City Vice Mayor Ferddie Estrella, kung saan inamin umano nito ang pamamaril.
Sa pagsuko ni alyas Ramil, malinaw itong development sa pagkamit ng katarungan ng pamilya dahil sa mga nakalap na ebedensya.
Samantala, detenido ngayon ang suspek sa Baliwag City Jail habang inihahanda na ang kaukulang kaso laban sa kanya.(Thony D. Arcenal)