Advertisers

Advertisers

TSEKWA ARESTADO SA SMUGGLING ACTIVITIES SA BANSA

0 44

Advertisers

INARESTO ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 50-anyos na Chinese national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 dahil sa paglabag sa Philippine immigration laws at dahil sa umano’y pagkakasangkot sa ilegal na aktibidad.

Kinilala ng BI ang dayuhan na si Shi Chaoqun, 50-anyos, na inaresto ng mga operatiba ng BI intelligence division noong Disyembre 5.

Ang dayuhan ay na-flag ng immigration matapos niyang tangkaing umalis ng bansa.

Ayon sa BI, ang impormasyon mula sa Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform (CAFAR) sa pamamagitan ng tanggapan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan ay nagpahiwatig na si Shi, kasama ang ilan pang dayuhan, ay sangkot umano sa mga smuggling operation na isinagawa sa pamamagitan ng mga business entity na kanilang itinatag sa bansa.

Ang pag-verify ng mga operatiba ng BI ay nagpakita pa na nilabag ni Shi ang mga kondisyon ng kanyang pananatili sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa isang business entity maliban sa kanyang petitioning company, na labag sa batas ng imigrasyon ng Pilipinas.

Agad siyang inaresto, at pagkatapos ng medical examination at booking, inilipat sa pasilidad ng BI warden sa Taguig.

Agad siyang inaresto, at pagkatapos ng medical examination at booking, inilipat sa pasilidad ng BI warden sa Taguig.

Binigyang-diin ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pangako ng ahensya na makipagtulungan sa iba pang sangay ng gobyerno sa pagsugpo sa mga dayuhang lumalabag sa batas ng Pilipinas.

Kung mapatunayang nagkasala, si Shi ay nahaharap sa deportasyon at blacklisting mula sa bansa. (JOJO SADIWA/JERRY TAN)