Advertisers
PANSAMANTALANG tinanggal mula sa kanilang puwesto ang limang pulis na umano’y sangkot sa pagnanakaw ng P14 milyon mula sa isang bahay sa Porac, Pampanga noong Nobyembre 25.
Makikita sa CCTV footage ang limang armado na lalaki na pinagbantaan ang mga residente at pinapasok sa comfort room bago tumakas na may dala-dalang pera.
“Nag-imbestiga tayo, tuloy-tuloy investigation natin. At base sa imbestigasyon, may mga ebidensya na nagli-link sa pulis,” ani Police Regional Office 3 director Brigadier General Ponce Rogelio Peñones, Jr.
Nabuo ang isang espesyal na task group, at isang anonymous na liham na naglalaman ng pangalan ng limang pulis ang dahilan ng kanilang pansamantalang pagpapalayas sa puwesto.
Hindi pa isiniwalat ang kanilang mga pangalan, ngunit magsasampa ng kaso kapag nakalap na ang sapat na ebidensya. (Boy Celario)