Advertisers

Advertisers

Jodi na-bash, tinuruang mag-make-up ang anak na si Thirdy

0 262

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO
PATOK nang nagsama ang mag-inang Jodi Sta. Maria at Thirdy Lacson sa vlog ng aktres.
Katunayan, trending ang latest entry sa kanilang vlog na sumalang sa ‘make up challenge’ ang dalawa.
Sinagot din nila ang ilang questions mula sa netizens habang isinasagawa nila ang challenge.
Isa sa mga tanong ng netizen kay Thirdy: “If you could give your mom anything, what would it be and why?”
Sagot ni Thirdy: Si Mommy, deserve niya ang buong mundo. Kasi lahat ng sacrifices ni mommy para sa akin ‘di ko naman magagawa ‘yun para sa kanya, eh. “[Si] mommy nagwo-work hard palagi.. Ngayon ngang may COVID kaysa mag-rest siya nagwo-work siya para sa amin para may malagay sa table namin.”
Na-touch naman si Jodi sa mensahe ng anak kaya nag-reply ito: “You know what, as a mother…it’s so important.. it’s very affirming—what you said—anak, and validating.. ‘Yung alam mo na may nagagawa kang tama para sa anak mo, para sa pamilya mo.”  
Dagdag pa ni Thirdy, naa-appreciate niya ang mga ginagawang sakripisyo sa kanya ng ina bilang single parent.
Aniya para sa kanya, isang dakilang ina ang “Ang Sa Yo ay Akin” star.
“Yung mga mommy talaga para silang mga superhero,” bulalas ni Thirdy.
Ilang bitchy netizens naman ang nag-uurot na bakit daw tinuturuan ng aktres ang anak na mag-make up o gawin ang nasabing challenge.
Hindi raw kaya lumaking ‘beki’ ang anak nito dahil sa pagkunsinti ni Jodi.
Hirit naman ng mga followers ni Jodi, she won’t mind kung anuman ang maging sexual orientation ng anak dahil love nito ang LGBTQ+ community.
Sa kaso naman ni Jodi, hindi siya nabo-bother dahil at 14 ay may girlfriend na ang anak.
 
Bilang magulang, nagpapaalala lang siya na gawin nitong priority ang pag-aaral.