Advertisers
Naniniwala si Vice President Sara Duterte na ang mga panibagong kaso ng plunder at iba laban sa kanya at sa kaniyang opisina na isinampa laban sa kanya sa Office of the Ombudsman ay isa lamang na ‘fishing expedition’ upang pagtakpan ang mga kasalukuyang imbestigasyon.
Sa isang pahayag,sinabi ni VP Sara na ito ay kanilang inilulunsad sa ngayon para gamitin ang anumang paratang na maaari nilang magamit para pagtakpan ang kasalukuyang usapin ng korapsyon sa bansa.
Matapos nito ay hinikayat din ng Bise Presidente ang publiko na maging mapanuri at huwag din anyang agad magpadala sa mga paninira na ibinabato sa kanya.
Dagdag pa ni VP Sara, hindi na aniya ito hinggil sa paghahanap ng katotohanan kundi tungkol na lamang sa pagtatakip sa naging malawakang pagnanakaw sa kaban ng bayan kung saan binigyang diin din ng Bise Presidente na magpa- hanggang ngayon ay wala pa ring nananagot sa batas hinggil sa mga anomalyang ito.
Wala nang nagulat pa sa paglutang na ito ni Ramil Madriaga, isang inmate ng BJMP para gamitin sa demolition job ng mga aso ni Marcos Jr. laban sa Bise Presidente.
Matagal na itong dinetalye ni Senator Imee Marcos na binabanggit si Boying Remulla bilang utak.
Kaya nga inilagay ang “halimaw” na ‘yan dyan sa Office of the Ombudsman.
Nasa kaisipan na lamang ngayon ng sambayanan ay iisang bagay at iyan ay labanan nang buong TAPANG at kagitingan ang mga kademonyohan pinaggagawa ng ” bangag na gobyerno.
Wala ng takot na Pilipino.
LAHAT ay tahimik lamang na nagmamasid at nag- aantay ng tama at hinog na pagkakataon.
Laang ipagtanggol ang kanilang mga karapatan at dignidad na patuloy na dinudungisan.
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com