Advertisers
PINAGHAHANAP ngayon ang isang lalaking pasahero ng barko na bumiyahe mula Batangas patungong Caticlan, Aklan.
Ang nawawalang pasahero ay kinilalang si Danilo Villaluz, 52 anyos.
Huling nakita si Villaluz nang sumakay ito sa barko sa Batangas Port para magtungo sa Caticlan noong December 13, 2025. Uuwi sana si Villaluz sa Bacolod City dahil sa isang family emergency.
Hindi na umano nakontak ng pamilya si Villaluz na taliwas sa dati nitong ginagawa na laging nagte-text at nagpapadala ng mga mensahe at mga larawan sa pamamagitan ng Facebook messenger kapag bumibiyahe ito.
Pagdating ng barko sa Caticlan, hindi na nakababa si Villaluz. Naiwan nito sa barko ang kanyang bag kungsaan naroon ang mga personal na gamit kasama ang pera at cellphone.
Bago magtanghali ay isang kawani ng barko ang sumagot sa cellphone ni Villaluz at ipinabatid sa naghahanap na pamilya na nasa kanila ang bag at cellphone nito.
Pinaghahanap na ng Philippine Coast Guard ang nawawalang pasahero.