Advertisers
NAKATAKDA nang magsampa ng kaso ang United People Against Corruption (UPAC) laban kay Rep. Patrick Michael Vargas kaugnay ng umano’y ghost at failed flood control projects sa Novaliches, Quezon City.
Isinampa ang reklamo sa Hall of Justice ng Quezon City, kalakip ang mga dokumento, sinumpaang salaysay, at testimonya ng mga residenteng apektado ng paulit-ulit na pagbaha.
Ayon sa UPAC, bilyon-bilyong pisong pondo ang inilabas para sa flood mitigation ngunit walang ginhawang naramdaman ang mga komunidad, bagay na nagbukas ng seryosong tanong sa implementasyon at pananagutan.
Nilinaw rin ng grupo na district-by-district ang magiging pagsasampa ng kaso, na uunahin ang District 5, upang mahikayat ang iba pang testigo at complainant na magsalita.
Para sa maraming QC residents, hindi na ito simpleng usapin ng ulan o kalikasan, kundi tanong ng pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan.
Sa pagsasampa ng kaso, isang malinaw na mensahe ang ipinadala nila na panahon na para harapin ang mga tanong at managot ang mga responsable.
Samantala banindigan naman si Rep. Vargas nitong Miyerkules na walang ghost projects sa kanyang distrito matapos magsampa ng abuse of rights at unjust enrichment complaint ang naturang grupo laban sa kanya dahil sa pagbaha sa Novaliches sa kabila ng milyun-milyong naiulat na proyekto.
Subaybayan natin!
***
Anumang reaksyon o suhestiyon i-text sa 09368625001/09397177977 o di kay mag email: balyador69@gmail.com