Advertisers

Advertisers

Senate hearing sa flood control project itutuloy sa Enero 19

0 19

Advertisers

IPAGPAPATULOY ng Senate blue ribbon committee ang pagdinig kaugnay sa maanomalyang flood control project sa Enero 19, ala-1:00 ng hapon.

Ito ang inanunsyo ni Senador Panfilo “Ping” Lacson, chairman ng komite kung saan tatalakayin ng ang iniulat na pag-urong o pagbawi ng pahayag ng dating mga engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH)–Bulacan na sina Henry Alcantara at Brice Hernandez.

Una rito, inihayag ng Department of Justice (DOJ) na hindi pa opisyal na binawi ni Alcantara ang kanyang mga naunang pahayag na ginawa sa pagdinig ng Senate blue ribbon committee noong Setyembre 2025.



“Nevertheless, isa sa pag-uusapan namin ‘yung consequence/s kung may plano silang mag-retract o mag-recant ng kanilang sinumpaang salaysay sa blue ribbon committee,” pahayag ni Lacson.

Binanggit pa niya na lilinawin ng komite sa DOJ kung nagsumite na ang mga dating DPWH engineer ng counter affidavit sa kanilang naging testimonya.



“Ipagbibigay alam namin sa kanila na kapag sila ay nag-recant, magiging liable sila sa perjury. Kahit anong sinumpaang salaysay na under oath, tinaasan ang penalty,” sabi ni Lacson.

Iimbitahan din ng Senate blue ribbon committee sina dating Education undersecretary Trygve Olaivar, dating DPWH secretary Manuel Bonoan, at iba pang resource persons na bigong makadalo sa mga nakaraang pagdinig.



Ayon kay Lacson, maglalabas ng subpoena ang komite sakaling muling hindi sila dadalo.

Kahit na bawiin umano nina Alcantara at Hernandez ang kanilang mga pahayag, mananatili pa rin ang kaso dahil may iba pang ebidensya na nagtuturo sa mga taong may pananagutan.

“Kung may mga money trail, paper trail ng galaw ng pera ng nakadikit, may kinalaman o konektado sa mga testimonya nila, iko-consider din ng DOJ ‘yun o ng Ombudsman,” diin niya.

Sinabi ni Lacson na plano rin ng komite na ipatawag si Batangas 1st District Representative Leandro Leviste kaugnay ng tinaguriang “Cabral files.”

Dagdag pa ng senador, nakatakda siyang makipagpulong sa abogado ni dating Undersecretary ng DPWH Maria Catalina Cabral sa susunod na linggo upang linawin ang mga allocable amounts partikular ang Special Allotment Release Order (SARO) para sa mga flood control project at iba pang infrastructure project na inilabas noong Disyembre 27, 2024.

Sa nasabing SARO, ang P50 bilyon ay nagmula sa unprogrammed appropriations.

“P30 billion sa P50 billion ay flood control projects. Napakarami sa listahan na ‘yun ay ghost projects. Gusto naming i-clarify sa DBM at Office of the Executive Secretary kung paano ‘yung flow, paano nangyari na halos matatapos na ang 2024, nag-release pa ng SARO, at nanggaling sa unprogrammed appropriations kung saan infrastructure projects,” dagdag ni Lacson. (Mylene Alfonso)