Advertisers
NAILIGTAS ng mga ope-ratiba ng Police Regional Office 3 ang 59-anyos na negosyante na dinukot sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, pwersahang dinala at tinutukan ng baril ng tatlong kidnaper ang negosyante nang dumating ito sa kani-yang warehouse. Tinangay rin ng mga kidnaper ang pulang pick-up ng biktima.
Matapos ang insidente, nag-demand ng limang mil-yong piso ang mga kidnaper kapalit ng pagpapalaya sa biktima.
Habang tumatakas patu-ngong Barangay Bakod Ba-yan, nasangkot ang mga kidnaper sa isang hit-and-run incident na ikinasugat ng da-lawang sibilyan.
Agad namang nagkasa ang pulisya ng coordinated pursuit at intelligence-driven operations, na nagresulta ng ligtas na pagkaka-rescue sa biktima.
Natagpuan ang ninakaw na sasakyan, habang sa tracking device ng cellphone ng biktima na-trace at naaresto ang isang AWOL na pulis, na lumalabas ding mastermind ng krimen, kasama ang kanyang pinsan.
Sa isinagawang follow-up operations, naaresto ang da-lawa pang kasabwat.