Advertisers
Nasunog ang isang yare habang nasa karagatan ng Tingloy, Batangas ngayong Enero 27.
Agad namang tumugon ang Philippine Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL) sa insidente ng sunog na kinasasangkutan ng Motor Yacht (M/Y) Allusive
Pasado 7:00 ng umaga, nakatanggap ang CGDSTL ng ulat mula sa Coast Guard Sea Marshal Unit-Southern Tagalog personnel na sakay ng isang dumadaang passenger vessel na nakakita ng usok at apoy mula sa motor yacht.
Agad na isinagawa ng CGDSTL ang mga emergency response procedures.
Batay sa paunang impormasyon, ang M/Y Allusive, kasama ang convoy vessel nitong M/Y Neptimus 3, ay umalis mula Puerto Galera patungong Punta Fuego, Nasugbu, Batangas, upang lumahok sa isang yacht sailing event.
Habang nasa biyahe, nagkaroon ng sunog sa M/Y Allusive na pinaniniwalaang nagsimula sa engine room dahil sa posibleng electrical failure, na kasalukuyang iniimbestigahan.
Agad na iniwan ng pitong Filipino crew ang yate at nailigtas sa tulong ng M/Y Neptimus 3.
Ang nasabing sasakyang pandagat ay hinila papunta sa dalampasigan at natukoy na hindi ito nagdulot ng panganib sa paglalayag.
Dinala ang mga nailigtas na crew members sa Batangas Port para sa medikal na pagsusuri. Walang naiulat na nasugatan.(Jocelyn Domenden)[/vc_column_text][/vc_column][/vc_row]