Advertisers
KINUMPIRMA ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghabla ng diplomatic protest ng Pilipinas laban sa China.
Ayon kay DFA Secretary Teodoro Losin Jr., ito ay dahil sa ginawang pagharang ng Chinese vessels sa mga mangingisdang Pilipino sa Pag-asa Islands, kamakailan.
Matatandaan na aprubado sa China ang batas na nagbibigay kapangyarihan sa Chinese Coast Guard na paputukan ang anumang barko o bangka na tingin nila ay nanghihimasok sa karagatang kanilang pagmamay-ari.
Samantala, ipinangangamba naman ni maritime law expert Jay Batongbacal ang naturang batas hindi lamang para sa mga sundalo ng Pilipinas kundi lalo na sa mga mangingisdang Pilipino na laging nakaka-engkwentro ng mga Chinese Coast Guard sa laot.
Hiniling naman ni Batongbacal ang pagsama ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard sa mga mangingisda upang may proteksyon ang mga ito. (Josephine Patricio)