Advertisers
Maraming sikat na personalidad na naispatan ni Pepeng Kirat sa Rizal Memorial Complex noong nanood siya ng mga match ni Alex Eala.
Ilan sa nakita ni Pepe ay ang mga artistang sina Tirso Cruz at Jojo Alejar. Kasama daw nila ang kani-kanilang mga pamilya.
Napansin din ni Kirat ang mga politikong sina dating Sen Wigberto at anak nitong si Cong Erin Tanada.
***
Naka 3-0 na ang LA Lakers simula ng bumalik si Austin Reaves sa line-up galing injury.
Nitong Linggo ikatlong biktima nila ang Golden State kung saan umiskor si AR15 ng 16 na puntos. Kasamq diyan mga crucial shot sa end game.
Unang tinalo nila ang Nets tapos ang 76ers.
Sa W kontra Philadelphia ay gumawa ng 35 si Reaves Dito hanggang 2nd quarter lang naglaro si Luka Doncic sanhi ng may iniindang sakit. Sa panalo vs. Brooklyn ay may 15 siyang naibuslo.
Talagng legit superstar na si Austim kaya baka abutin ng $40 -50 M kada taon dapat o hingin niyang suweldo.
Kung gayon ay mahihirapan na si GM Rob Pelinka na pagkasyahin ang team salary cap sa kanilang tatlo nina James at Doncic.
Pwede siguro kung papayag si LeBron ng mas mababang sahod o iiwan na ang purple at gold.
***
Ayon kay Tata Selo ay oo nga’t 50 anos na PBA pero iisang prangkisa na lang ang orig na umabot ngayon.
Tanging San Miguel Corp lamang ang naiwan sa siyam na koponan sa liga matapos ang limang dekada.
Unang ginamit ng SMC ang Royal Tru Orange.
Wala na sa Asia’s first play for pay league ang mga orihinal na Concepcion Industries, Crispa-Floro, Delta Motors-Toyota, Tanduay Distillery, Mariwasa-Noritake, Seven UP, U- text at CFC.
May mga humina ang negosyo at may iba na ibinenta ang korporasyon.
Ang tanong ngayon ay worth ba ang pagsali sa PBA?