Advertisers
KAILANGAN ang isang agaran at mabilisang reporma sa labor sector.
Ito ang tahasang sinabi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nang maglabas ng datos ang Philippine Statistic Authorithy (PSA) na umakyat sa 2.26 milyong Pilipino ang walamag trabaho nitong Disyembre 2025 mula sa 2.25 milyon noong Nobyembre kumpara noong Disyembre 2024 na nasa 1.63 milyonlaang ang naitalang Pilipinong walang trabaho.
Ayon kay Cayetano kabilang sa kaniyang nakikita solusyon sa problemang ito ay ang reporma sa sahod, proteksyon sa manggagawa, at mga matagal nang problema sa labor system sa bansa.
Nangangamba sa patuloy na paghihirap ng mga Pilipino na makahanap ng matatag na trabaho at sapat na kita na lubhang mapanganib para sa bawat pamilyang Filipino.
Naniniwala si Cayetano na kailangan ang sabayang pagkilos mula sa pamahalaan, mga manggagawa, at mga employer, lalo na pagdating sa kalidad ng trabaho at makatarungang pasahod.
Kaugnay nito, siniguro ni Cayetano na ngayong 20th congress kabilang sa kanyang prioridad na maipasa ang panukalang xecutive-Legislative Labor Commission o LabCom Act na naglalayong magtatag ng isang pormal na mekanismo kung saan maaaring magsanib-puwersa ang iba’t ibang sektor upang maghanap ng pangmatagalang solusyon sa mga labor issues.
“This body will convene representatives from Congress, the Executive branch, Micro-, Small and Medium-sized Enterprises (MSMEs), trade and industry, and the labor sector, including the migrant and informal sectors, to collectively pursue sustainable solutions,” ani ni Cayetano.
Iginiit ni Cayetano na ang labor at employment concerns ay direktang nakakaapekto sa bawat pamilyang Pilipino, lalo na kapag napipilitang lumayo ang mga manggagawa sa kanilang pamilya dahil sa mababang sahod at kulang na proteksyon.
“If ever magkaroon ng Labor Commision, these are exactly the types of issues that we will solve,”ani ni Cayetano.
Naniniwala si Cayetano na mahalagang punan ang mga puwang sa labor policy upang matiyak na ang pag-usad ng ekonomiya ay ramdam ng karaniwang Pilipino, lalo na’t mas mataas pa rin ang unemployment kumpara noong nakaraang taon.
“Kung lab (love) natin ang Pilipinas, kung lab (love) natin ang ating laborers, kung gusto natin ang mga OFWs na hindi na kailangan mag-broad, we have to have a labor commission,” dagdag ni Cayetano.