Advertisers

Advertisers

Jenny Syquia inamin na kinokontak pa rin siya ng ex-mister na si Gabby Concepcion

0 22

Advertisers

Ni Anne Venancio



Balik-Pilipinas na ang dating aktres at model na si Jenny Syquia at nagpaplanong muling pumasok sa showbiz habang abala rin sa pagpapatakbo ng kanyang mga negosyo.

Inamin ni Jenny na may mga pagkakataong nagpadala ng mensahe sa kanya ang dating asawang si Gabby Concepcion, kahit matagal na silang hindi nagkikita.
Aniya, wala silang ugnayan pero hindi naman daw sila magkaaway. “We’re not enemies, we’re not friends. Our lives have gone in different directions,” aniya. Bukas naman siyang posibilidad na magkita silang muli, lalo pa’t may anak sila, si Cloie Syquia.



Matatandaang nagpakasal sina Jenny at Gabby noong 1993, tatlong linggo lamang matapos silang magkakilala, bunsod ng matinding attraction sa isa’t isa. Ngunit hindi nagtagal ang kanilang pagsasama kung saan wala pang 3 taon ay naghiwalay na sila at isa sa mga dahilan ay ang pagkakaiba sa kultura, lumaki si Jenny sa Estados Unidos samantalang sanay si Gabby sa buhay-showbiz sa Pilipinas.

Sa kabila ng kanilang hiwalayan, nananatili ang respeto ni Jenny sa dating asawa at bukas siya sa mga posibilidad na magkrus muli ang kanilang landas.