Advertisers

Advertisers

Angara at Khonghun nagpulong upang tutukan ang kakulangan ng iskul sa 1st Dist.ng Zambales

0 11

Advertisers

Nakipagpulong si Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo “Sonny” Angara kay House Deputy Speaker at 1st District Congressman Jay Khonghun nitong Huwebes sa Kongreso upang talakayin ang mga prayoridad na pangangailangan ng mga paaralan sa Unang Distrito ng Zambales.



Kabilang sa tinalakay sa isinagawang courtesy call ng kalihim, ang kakulangan sa mga silid-aralan, suporta para sa mga guro, kakulangan sa learning resources, at pagpapaunlad ng imprastraktura ng mga paaralan sa mga lugar ng Olongapo City, Subic, Castillejos, at San Marcelino.

Ayon kay Rep. Khonghun, naging produktibo ang kanilang dayalogo ni Sec. Angara at kapwa nila tiniyak ang mas pinaigting na koordinasyon upang matugunan ang mga agarang pangangailangan ng mga mag-aaral sa distrito.



“Education remains our strongest investment for the next generation,” pahayag ni Khonghun, na binigyang-diin ang kahalagahan ng de-kalidad, accessible at future-ready na edukasyon para sa bawat mag-aaral sa kanilang distrito.

Ipinahayag naman ni Sec. Angara ang kahandaan ng DepEd na tumulong sa pagpopondo ng mga kinakailangang proyekto sa pakikipagtulungan sa tanggapan ng kongresista upang masigurong mapaprioritize ang mga kakulangan sa mga paaralan sa unang distrito ng Zambales.