Advertisers
Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang pinaghihinalaang gunman sa pamamaril at pagkakapatay sa executive ng Puerto Princesa International Airport (PPIA) sa isinagawang operasyon sa lungsod sa lalawigan ng Palawan noong Lunes ng gabi.
Sinabi ni Puerto Princesa City Police Office (PPCO) Spokesperson Captain Bryan Rayoso ang suspect na hindi muna tinukoy ang pagkakakilanlan na nasakote 7:15 ng gabi sa follow-up operations sa Brgy. San Miguel ng lungsod na ito.
Natukoy ang suspek na siyang bumaril at nakapatay sa biktimang si Joanna Jonson -Infante, dating Acting Manager at kasalukuyang Human Resource Manager ng PPIA.
Gayunman, tumanggi si Rayoso na tukuyin ang iba pang detalye habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) Infante para matukoy ang mastermind sa krimen at kasabwat ng gunman.
Hindi rin inaalis ng pulisya ang posibilidad na “personal na galit” at “may kinalaman sa trabaho” ng biktima ang motibo sa krimen.
Magugunita na naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Bayview Road sa Brgy. San Pedro, Puerto Princesa City noong Pebrero 18, 2026 dakong 5:28 ng hapon nang pagbabarilin ng nag-iisang salarin.
Samantala, ayon kay Ramon Tulfo, kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis si Motalib Monib Daranda a.k.a. Kim, na naka-assign bilang security and intelligence officer ng CAAP-Puerto Princesa.
Si Daranda ay Maranaw o taga Lanao na kamaganak ni Muhammad Naga Rascal, relieved chief ng CAAP-Puerto Princesa.
Tinitignan ang pagiging mastermind umano sa krimen ni Rascal.
Nag-pag-alam na ang alitan ninai Joanna at Rascal dahil sa corruption sa CAAP-Puerto Princesa.
Si Rascal, na kasalukuyan nasa CAAP main office ng Manila, at iba pang suspects.
Nagpapatuloy ang operasyon ng pulisya laban sa iba pang posibleng sangkot sa krimen.
Patuloy naming kinukuha ang panig ng SITG -Infante kaugnay sa inilabas na pangalan ni Ramon Tulfo.